"CAROL BANAWA, HINDI NA AALIS SA DOS!" TIRSO PAGLICAWAN FROM SAKSI NGAYON Hindi na matutuloy ang ang paglipat ni Carol Banawa sa GMA mula sa Dos. Nairereklamo kasi ni Carol noon na sa gitna ng tagumpay niya sa pag-awit, malaking bahagi siya ng "Tanging Yaman" na kumanta ng theme song, hit ang kanyang "Little Mermaid", tagumpay rin siya sa sinaslihang singing contest abroad, parang hindi siya gaanong pinapansin ng ABS-CBN. Bibigyan ng bagong break si Carol sa telebisyon at hindi 'yung nakikita lang siya sa ASAP. Siguro, natauhan ang Dos at napag-isipan nilang sayang naman kung sa kanila nagsimula si Carol, tapos, pakikinabangan lang ng ibang istasyon. Maganda ang boses ni Carol, may pagkakawangki sa tinig ni Lea Salonga, pansin ng marami. Gumigimik lang kaya si Carol nang sabihin niyang lilipat na siya sa Siyete kaya nabahala ang Dos? "Hindi, bakit ako gigimik?", sabi niya. "Pero ngayong may malaki palang plano sa akin ang Dos, bakit pa ako aalis?".