I
Nalaman kong hindi lang ako
At 'di rin totoo
Na ako lang iniibig mo
Ayoko sanang maniwala
Sa bali-balita
Bakaisipin mo'y wala akong tiwala
Refrain
(Ngunit/Dahil) minsang nakita ko
Kausap mo'y iba at kayakap mo
Paliwanag pa ba
Ang kailangang marinig sa 'yo
KORO
Sana'y hindi ko na nakita
Nang 'di na ako nasaktan pa
Dahil sa 'yo ngayo'y lungkot ang nadarama
Ganyan ba ang ugali mo
Nagbibilang ka at 'di makuntento
*Sayang naman 'tong damdamin ko sa 'yo
III
Hindi lang mi-minsang nakita
Mayro'n kasama,
At napansin ko'y papalit-palit ka
Nabuo nga sa isipan ko
Na kabilang ako
Sa karamihan ng iyong niloloko
(Repeat Refrain, KORO, *) |