Hayaan mong maglaro
ang bata sa araw
Kapag umulan naman magtatampisaw
Mahirap man o may kaya maputi, kayumanggi
At kahit ano mang uri ka pa sa'yo ang mundo
'Pag bata ka.............
Bawat bata sa ating mundo
Ay may pangalan may karapatan
Tumatanda ngunit bata pa rin
Ang bawat tao sa ating mundo
* Hayaan mong maglaro ang bata sa araw
Kapag umulan naman magtatampisaw
** Mahirap man o may kaya, maputi, kayumanggi
At kahit ano mang uri ka pa
Sa'yo ang mundo 'pag bata ka
Ang bawat nilikha sa mundo
Minamahal ng Panginoon
Ang bawat bata'y may pangalan
May karapatan sa ating mundo
(Repeat *)
(Repeat **)
Tayong mga bata may mga karapatan
Huwag kayong matakot at ito'y paglaban
Karapatang mabuhay, kumain, mag-aral
Karapatang maging ligtas sa karahasan
Kaya pagbigyan siya ng pagmamahal
Katulad ng sinadya ng Maykapal
(Repeat **)
Maitim, maputi, kayumanggi
Kung gugustuhin natin tayo ay magwawagi
Buong mundo'y naghihintay sa ating gagawin
Halina kapwa bata ang mundo'y ating angkinin